-- Advertisements --

Asahan ang dagdag presyo sa bawat tangke ng liquified petroleum gas (LPG) sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay LPG Marketers Association president Arnel Ty na hindi pa nila tiyak kung magkano ang itataas at maaring malaman ito sa mga susunod na linggo.

Isa sa naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng LPG ay ang mataas na demand sa China dahil sa patuloy ang pagbabalik sigla ng kanilang ekonomiya mula ng COVID-19.

Inabisuhan na rin aniya sila ng mga suppliers na maantala ang shipments ng hanggang tatlong linggo dahil sa taas ng demand.

Nakasaad kasi sa batas na ang mga LPG manufacturers ay kailangan na magkaroon ng 7-days inventory.