-- Advertisements --

Tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) na malapit sa Zamboanga area sa kanlurang parte ng Mindanao.

Pero magpapatuloy pa rin ang mga pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng bansa dahil sa panibagong namumuong sama ng panahon na namataan sa silangan ng Visayas.

Natukoy ito sa layong 65 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon kay Pagasa weather specialist Chris Perez, nakapaloob ang LPA sa intertropical convergenze zone (ITCZ) o ang mga nagsasalubong na hangin sa Visayas at Mindanao.

Habang uulanin din ang Bicol region dahil sa weather disturbance formation at extension ng frontal system.

Pinag-iingat ng Pagasa ang lahat sa posibilidad ng baha at pagguho ng lupa.