-- Advertisements --
Patuloy na magdadala ng makulimlim na panahon at pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang low pressure area (LPA) na nasa layong 55 km sa kanluran hilagang kanluran ng Catarman, Northern Samar.
Pero nilinaw ng Pagasa na mababa pa rin ang tyansa nitong maging bagong bagyo.
Inaasahan ding malulusaw ito sa mga susunod na araw.
Habang ang dating bagyong Marce na lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ay lumakas pa at naging tropical storm na may international name na Dolphin.
Wala naman itong magiging epekto sa alinmang parte ng ating bansa.