-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagong nabuo na Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang aktibong Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay nakapasok sa silangan ng Mindanao.
Mababa umano ang posibilidad na mabuo ito bilang isang ganap na bagyo.
Nagbabala naman ang PAGASA na magdudulot pa rin ng pag-ulan ang LPA sa bahagi ng Mindanao, Visayas at Palawan.