-- Advertisements --

Ramdam na sa Eastern Visayas at malaking parte ng Mindanao ang epekto ng trough ng low pressure area (LPA).

Ayon kay Benison Estareja ng Pagasa, bagama’t malayo pa sa lupa ang namumuong sama ng panahon, malawak naman ang naaabot ng extension nito.

Huling namataan ang LPA sa layong 895 kilometro sa silangan timog silangan ng Davao City.

Sa kasalukuyan, maliit pa rin ang tyansa nitong lumakas bilang ganap na bagyo.

Samantala, easterlies at amihan naman ang nakakaapekto sa ilang parte ng Luzon.