-- Advertisements --
Inaalerto ng Pagasa ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa unti-unting paglakas ng low pressure area (LPA) na ngayon ay nasa silangan na ng Bicol region.
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 50 km sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o 245 km sa hilaga hilagang kanluran ng Borongan City, Eastern Samar.
Kaninang umaga, nakaranas na ng mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon at Visayas.
Habang ang Palawan, Western Visayas at Mindanao ay apektado naman ng southwesterly windflow.