-- Advertisements --
Makakaranas pa rin ng mga biglaang buhos ng ulan sa malaking parte ng ating bansa, kahit nakalayo na ang binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, maliban sa LPA, nakakaapekto rin ang tatlo pang weather system.
Kabilang na rito ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa Palawan at Mindanao, tail-end ng frontal system sa eastern sections ng Northern at Central Luzon, pati na ang hanging amihan sa extreme Northern Luzon.
Pinag-iingat pa rin ang publiko sa baha at posibleng landslide sa mga high risk area.










