-- Advertisements --
Umakyat pa sa Catarman, Northern Samar ang binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, maaari itong magdala ng ulan sa Eastern Visayas at maging sa mga karatig na lugar.
Pero malabo umano itong maging bagong bagyo.
Inaasahang malulusaw na rin ito sa mga susunod na oras.
Samantala, nitong Lunes ng tanghali lamang ay nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Marce.