-- Advertisements --
Nasa West Philippine Sea na ang low pressure area (LPA) na nagdulot ng ibayong pag-ulan sa malaking parte ng Luzon nitong mga nakaraang araw, kasama na ang Metro Manila.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 320 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Maliban dito, nagdudulot pa rin naman ng ulan ang hanging habagat na muling lumakas.
Kabilang sa maaari pa ring magkaroon ng makulimlim na panahon ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Visayas.
Pero dahil sa paglayo ng LPA, unti-unti nang bubuti ang lagay ng panahon sa malaking parte ng ating bansa sa susunod na linggo, maliban na lamang kung may bagong lilitaw na weather disturbance formation.