Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang bagong low-pressure area, ayon sa Pagasa.
Namataan ang weather disturbance na ito sa layong 1,240 kilometers sa silangan ng hilagang Luzon.
Ayon kay Ana Clauren ng Pagasa, maaring lumakas at maging tropical cyclone ang naturang LPA pero hindi naman inaasahang tatama sa lupa base na rin sa forcast track sa kasalukuyan.
Kung sakaling maging ganap na bayo, tatawagin itong Fabian, ayon kay Clauren.
Sa ngayon, maaring palakasin pa ng namumuong bagyo ang southwest monsoon o habagat, na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw, inaasahang magdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Zambales at Bataan.
Ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaring makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng habagat at localized thunderstorms.