-- Advertisements --

Lalo pang lumapit sa silangang bahagi ng Mindanao ang binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 470 km sa silangan ng Davao City.

Kabilang sa mga inaalerto para sa pagbuhos ng ulan ang Eastern Visayas, Caraga at Davao region.

Maliban sa namumuong sama ng panahon, nagdadala rin ng maulap na papawirin at malamig na hangin ang hanging amihan sa Northern Luzon.