NAGA CITY- Patay ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Naga City matapos tambangan sa Sitio Calangcaan, Sta. Lucia Magarao Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Donald Anonuevo 43-anyos residente ng Mercedez Villa Corazon Subdvision Del Rosario, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSg. Richard Vargas, investigator on case ng Magarao PNP, sinasai nitong lulan ng motorsiklo si Anonuevo ng pagbabarilin ito ng hindi pa nakikialalang mga suspek.

Kaugnay nito, nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, tinitingnan namang motibo ng mga otoridad sa nasabing krimen ang love triangle kung saan bago ang pamamaril nakipagkita muna ang biktima sa dating asawa nito sa loob ng isang resort sa lugar.

Maliban dito, nakainitan din aniya ang biktima at ang kapatid ng bagong kinakasama nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.