-- Advertisements --

Pinasalamatan ni London Mayor Sadiq Khan ang ilang libong mga nakiramay na bumiyahe pa mula sa ibang lugar para dumalo sa libing ni Queen Elizabeth II.

Bukod pa dito ay labis din ang pasalamat ng alkalde sa lahat ng mga alagad ng batas, emergenc service, transportaion at iba na walang pagod na nagtrabaho para matiyak na maayos ang nasabing okasyon.

Matapos ang kasi ang ginawang commital services at paglalagay sa huling hantungan ng monarch queen sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ay pansamantalang umalis muna ang mga Royal Family.

Bumalik ang pamilya ni King Charles III sa St. George Chapel para doon isagawa ang private family service.

Nauna rito nagkaroon ng procession ng bangkay ni Queen Elizabeth mula sa Westminster Abbey na dinaluhan ng nasa 2,000 katao na karamihan ay mga iba’t-ibang lider ng bansa.

Mas maraming tao ang lumahok sa procesyon sa Wellington Arch patungong Windsor.