Lomobo pa sa 20,678 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos na maitala ang 2,074 na mga bagong nahawa sa virus.
Sa latest data mula sa Department of Health (DOH) ang mga top regions na nakapagrekord ng matataas na bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 10,393, sinusundan ng Calabarzon na may 5,937, Central Luzon 2,634, Western Visayas na may 2,188, at Central Visayas na nakapagdagdag ng 1,007 COVID cases.
Sa ngayon nasa 7,006 beds ang occupied nationwide o katumbas ng bed occupancy rate na nasa 24.1%.
Una rito, inulat din naman ng DOH na nakapag-detect pa sila ng karadagdang 910 ng mas nakakahawang Omicron subvariants na BA.5, BA.4, at BA.2.12.1.
Ayon kay Health officer-in-charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire umaabot sa 816 cases ng omicron BA.5 ang kanilang natukoy, habang ang 52 ang BA2.12.1, at 42 naman ang BA.4.
Sinasabing ang lahat umano na mga rehiyon sa Pilipinas ay nakapagtala ng Omicron BA.5 liban lamang sa lugar ng Bangsamoro.
Doon sa Amerika unang iniulat ng Centers of Disease Control and Prevention na laganap ang mga nahahawa sa Omicron subvariant BA.5 na kayang makalusot sa COVID vaccines.