-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 66-anyos na lolo sa isang sagingan na pagmamay-ari nito sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Vladimer Malangen, Deputy Chief of Police ng Manaoag Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Reynaldo Ramos Tibule, may asawa, walang trabaho at residente ng Rizal St. Brgy. Poblacion sa naturang bayan.

Aniya, may nakapagreport sa kanilang himpilan na may natagpuang bangkay sa isang sagingan sa Barangay Baritao sa nasabing bayan na kung saan nakita ang bangkay nito na nakadapa na sa mismong pagmamay-ari niyang lupa at nasa maagang yugto na ng decomposition ayon sa pagsusuri ng attending physician nito sa Manaoag Community Hospital.

Ayon sa pamilya ng biktima huling nakita umano ang biktima nang umalis ito patungo sa kanyang lupain sa nabanggit na lokasyon ngunit hindi na ito umuwi.

Kaugnay nito iniulat naman ng asawa ng biktima na si Josephine dela Vega Tibule, 62 anyos, may-ari ng canteen, na may gamot na iniinom ang biktima sa kanyang sinusitis kaya posible umano ay naatake ng sakit nitona ikinasawi nito.

Ayon naman sa isinagawang post-mortem examination na isinagawa ni Dr. Raymund Thaddeus Veloria, Municipal Health Officer sa bayan ng Manaoag na
wala namang nakikitang foul play sa nangyari dito.