-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kaagad namatay ang isang lolo matapos mabagsakan ng puno ng kahoy ang kanilang bahay habang mahimbing na natutulog sa Barangay Agcagay, Jamindan, Capiz.

Kinilala ang namatay na si Corsino Balsado, 58-anyos, habang sugatan naman ang walong taong gulang nitong apo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Emilio Orocio ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng nasabing bayan, inihayag nito na mahimbing umano ang tulog ng mag-lolo nang bigla na lamang nabagsakan ng kahoy ang kanilang bahay na sumentro pa sa mismong kuwarto.

Dinala pa sa ospital si Balsado ngunit hindi na ito naisalba pa.

Sinasabing napapaligiran ng matataas na punong-kahoy ang bahay ng matanda.