NAGA CITY- Patay ang isang lolo matapos malunod sa Bicol River sa Barangay Inalahan, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Abraham Marasigan, humigit kumulang sa 70-anyos ang edad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/SSgt Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan-PNP, sinabi nitong kinilala ng anak nito ang biktima matapos matagpuan ang katawan na nagpapalutang-lutang sa Bicol river na sakop ng naturang lugar.

Ayon kay Organis, mag-isa lamang ng umalis ang biktima para mangisda ngunit hindi na ito nakabalik pa.

Pinaniniwalaang nahulog mula sa sinasakyang bangka ang biktima na naging dahil ng kanyang pagkalunod.