-- Advertisements --

Kinilala ang lolo na si alyas Sebreb, 62 anyos, tanod may-asawa at residene sa nasabing lugar.

Ayon kay PCAPT Roberto Alariao, Deputy Chief of Police ng PNP Camalaniugan, maaaring dinamdam ng biktima ang posibilidad na mayroon siyang prostate cancer na nagresulta upang siya ay mabalisa.

Una rito ay naglilinis umano sa kusina ang kanyang asawa ngunit nagulat na lamang siya ng may marinig na putok ng baril at nang puntahan ang biktima ay nakita niya na itong duguan at nakahandusay.

Nakita sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit nitong caliber 45 na may tatlong bala at isang basyo ng bala.

Tumagos ang tama ng baril sa leeg ng biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.