-- Advertisements --

Aabot ng P3,000 ang ipinamigay ng lokal na pamahalaan ng Taguig City para sa lahat ng contract of service (COS) at job order (JO) workers para sa kanilang serbisyo sa kabila ng coronavirus pandemic.

Ayon sa city government, ang gratuity pay na ito ay base sa haba ng serbisyo ng halos 5,000 temporary workers.

P1,000 ang ibinigay sa mga COS at JO workers na nagserbisyo ng dalawa o halos tatlong buwan; P2,000 naman ang natanggap ng mga manggagawa sa loob ng tatlong buwan; at P3,000 naman para sa mga nagserbisyo sa loob ng apat na buwan.

Ang COS at JO workers ay walang employee-employer relationship at benepisyo tulad ng Government Servic Insurance System (GSIS), PAG-IBIG, at iba pang uri ng incentives.

Para kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, malaki ang naging papel ng mga COS at JO workers sa pagpapatupad nito ng mga programa, proyekto at aktibidad. Lalong-lalo na aniya sa kasagsagan ng 2020 kung kailan naging agresibo ang pag-iwas at pag-kontrol sa pagkalat ng nakamamatay na virus.

Labis naman ang pasasalamat ng alkalde sa lahat ng government workers sa kanilang serbisyo upang tiyakin na mananatiling mababa ang mga naitatalang COVID cases sa naturang lungsod.

COS and JO workers do not have employee-employer relationships and benefits such as Government Service Insurance System (GSIS), PAG-IBIG, and other incentives.

Tinaguriang “model city” ng Inter-Agency Task Force ang Taguig pagdating sa kooperasyon, pagkakaisa at execution habang dini-develop pa ang mga epektibong programa para labanan ang COVID-19.

Noong Marso 2020 ay nagpatupad naman ang Lungsod ng Taguig ng COVID Hazard Pay sa lahat ng mga empleyado na kinakailangang pumasok sa kanilang mga trabaho sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).