-- Advertisements --

Ikinasal na ang celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Sa social media account ng actor ay nagpost ito ng larawan ng kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi na ito nagbigay ng ibang detalye kung saan at kailan nangyari ang kasal.

Ni-repost ng aktres ang post ng actor kung saan pinasalamatan nito ang mga dumalo at tumulong para sa kanilang kasal.

Magugunitang nitong Nobyembre 22 ng isinapubliko ng aktres ang engagement nila ng nobyo.

Habang nitong Nobyembre 26 kasabay ng kanilang 9th anibersaryo ay ibinahagi ng aktor ang ginawa niyang proposal.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan at kapwa artista matapos na mabalitaan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.