Ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Duterte sa pagtatalaga sa kanya bilang pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) at umaasa siyang hindi nito binigo ang outgoing leader.
Inihayag ni Locsin ang kanyang damdamin habang nagsilbi siyang representative ni Duterte sa US-ASEAN (United States-Association of Southeast Asian Nations) Special Summit sa Washington DC.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggihan niya ang imbitasyon na dumalo sa US-ASEAN Summit na isinasaalang-alang ang bagong pangulo.
Ayon kay Locsin, hinding-hindi niya alam kung paano mapapasalamatan si Duterte dahil ipinagkatiwala sa kanya ang portfolio ng DFA.
Itinalaga ng Pangulo si Locsin bilang DFA secretary noong Oktubre 2018 habang ang predecessor niyang si Alan Peter Cayetano ay naghain ng certificate of candidacy para tumakbong kinatawan sa 2019 elections.
Magugunitang si Locsin ay isa sa mga miyembro ng Presidential Transition Committee (PTC) na binuo ng Malacañang upang matiyak ang maayos na turnover ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon.
Namumuno sa PTC si Executive Secretary Salvador Medialdea at ang iba pang miyembro ay sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Undersecretary Tina Rose Marie Canda, at Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.