-- Advertisements --
DAVAO CITY – Inihayag ni Police Maj. Eudisan Gultiano, tagapagsalita ng Police Regional Office XI, na kailangan palawigin ang araw ng pagsasailalim sa Police Regional Office (PRO)-11 sa lockdown dahil may ilang kapulisan pa rin ang nagpositibo sa covid-19.
Hanggang noong Hunyo 9, 2021 lang sana ang lockdown sa kanilang kampo ngunit nadagdagan pa ang bilang ng mga nahawa sa virus sa kanilang hanay dahilan na pinalawig ito hanggang Hunyo 16, 2021.
Sa kasalukuyan, nananatiling naka-isolate ang ilang mga pulis para matiyak na maiiwasan ang transmission ng virus.
Sinabi ni Gultiano na nasa 117 ang aktibong kaso ng COVID-19, kung saan sa nasabing bilang apat ang nakadestino ngayon sa PRO-11.










