-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nangangamba ang ilang Pilipino sa Pakistan hinggil sa posibilidad na dumami pa ang magkasakit ng COVID-19 sa estado matapos tanggalin ng pamahalaan ang ipinatupad na lockdown.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni International correspondent Lucia Deocades, presidente ng United OFW sa Pakistan, na nasa 55,000 na ang total ng COVID-19 confirmed cases sa naturang bansa.

Ayon sa Pinay worker, ang lifting na ginawa ng Pakistan government sa lockdown ay bunsod nang kalbaryo ng mga manggagawa na posibleng mawalan ng trabaho.

Hindi rin daw nasusunod ang patakaran ng pagsusuot ng face mask at social distancing.