-- Advertisements --

Nakatakdang luwagan na ng England ang ipinapatupad na lockdown pagdating ng Hulyo 4.

Sinabi ni British Prime Minster Boris Johnson, na kabilang sa magbubukas ay ang mga hotels, pub houses, hairdressers, libraries, museums, theme parks, zoo at mga theatres.

Paglilinaw din nito na mananatili pa ring ipapatupad ang 2 meter physical distancing.

Maari na ring magkaroon ng sleep over ang dalawang magkapitbahay.

Pinayuhan din nito ang mga mamamayan na maging mapagmatyag dahil baka samantalahin ng virus ang pagiging pabaya nila.

-- Advertisement --