-- Advertisements --

LA UNION – Istriktong ipinapatupad ng mga ng pamahalaan ng Jordan ang mga panuntunan laban sa COVID-19.

Ito ang isinalaysay sa Bombo Radyo La Union ni international news correspondent Emily Villanueva, tubong San Juan, La Union at isang household worker sa Jordan.

Ayon kay Villanueva, mahigpit na ipinagbabawal ang pamamasyal, walang public transportation, at apat na araw lamang ang market day.

Samtala, marami naman aniyang mga OFWs ang nagrereklamo sa panuntunan ng POLO-OWWA hinggil sa P10,000 na financial aid na iginagawad ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ang naturang ayuda ay ibinibigay sa OFWs na nawalan ng trabaho abroad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pero ayon kay Villanueva, masyadong marami ang requirements na hinihingi sa kanila kaya natatagalan aniya ang pagproseso nila rito.