-- Advertisements --

Nakakakita ang Britain ng pang-araw-araw na impeksyon ng bihirang monkeypox virus via local transmission.

Nakatakdang maglabas ang UK Health Security Agency ng bagong figures matapos makapagtala ang bansa ng 20 kaso ng monkeypox.

Sinabi ni UK Health Security Agency (UKHSA) chief medical adviser Susan Hopkins na posibleng naitala na sa Britain ang community transmission lalo pa’t wala silang na-identify na contact mula sa West Africa.

Tumanggi si Hopkins na kumpirmahin ang mga ulat na ang isang indibidwal ay nasa intensive care, ngunit sinabi na ang outbreak ay naitala puro sa mga lunsod o bayan, sa mga bakla o bisexual na lalaki.

Maaaring maipasa ang monkeypox sa pamamagitan ng direct contact sa mga sugat sa balat at droplets ng isang kontaminadong tao, pati na rin ang mga “shared items” tulad ng sapin sa kama at tuwalya.

Kasama sa mga sintomas ang lagnat, pananakit ng kalamnan, namamagang mga lymph node, panginginig, pagkahapo at parang bulutong-tubig na pantal sa mga kamay at mukha.

Karaniwang lumilinaw ang mga ito pagkatapos ng dalawa hanggang apat na linggo.

Walang tiyak na gamot nito ngunit ang pagbabakuna laban sa bulutong ay humigit-kumulang 85 porsiyentong epektibo sa pag-iwas sa monkeypox.