-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Malaki ang paniniwala ni tatay Diorito Bitantos na kagagawan ng local ISIS-inspired group ang pananambang sa dalawang pulis sa Brgy. Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato na humantong sa kanilang kamatayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bitantos, inihayag nitong ang nasabing grupo ang responsable rin sa pag-ambush sa ilang mga police officials noon sa naturang lugar.
Sinabi nitong maaaring paghihiganti ang tinitingnang anggulo sa pagkasawi ng anak nitong si Police Cpl. Witzel Russ Bitantos at bestfriend nitong si Patrolman Bryan Costelo dahil sa walang tigil na operasyon ng PNP laba sa nasabing armed group.
Muli itong nagpasalamat sa lahat ng mga nakiramay at tumulong sa kanilang kalagayan.