-- Advertisements --

Umaapela ang Union of Local Authorities of the Philippines sa national government na maglaan ng marami pang COVID-19 vaccines sa mga probinsya at payagan ang pagbakuna sa mga pasok sa A4 category.

Sa ngayon kasi, sinabi ni ULAP president at Quirino Governor Dakila Cua na mayroong policy issue sa kung bakit hindi pa rin nila nasisimula ang A4 vaccination.

Iginiit ni Cua na dapat ilipat na rin sa mga probinsya ang vaccination rollout lalo pa at mayroong surge ng COVID-19 cases sa mga lugar na ito.

Noong Hunyo, magugunitang sinisi ni Iloilo City Mayor Geronimo Treñas ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Western Visayas dahil sa karamihan sa mga alokasyon ng COVID-19 vaccines ay para sa NCR Plus area.

Base sa report ng OCTA Research noong Hulyo 9, kinukonsidera nila ang lungsod ng Davao, Iloilo, General Santos, Cagayan de Oro, Baguio, at Tagum bilang areas of concern dahil sa upward trend ng COVID-19.