Nagsagawa ng Combined Joint Logistic Over the Shore exercises ang mga sundalo ng Pilipinas at Estados Unidos na nakilahok sa pinakamalaking Balikatan Exercises 2023.
Bahagi ito ng naturang joint military exercise kung saan nagsagawa ang mga sundalo ng Pilipinas at Amerika ng loading, offloading ng mga kargamento sa dalampasigan ng Casiguran, Aurora.
Dito ay ipinamalas ng dalawang bansa ang kanilang abilidad pagdating sa transfer mission ng mga mahahalagang kargamento mula sa mga barko patungo sa mga lugar na hindi maaaring gamitin ang fixed port facilities dahil sa mga kalamidad o mga pinsalang dulot ng pag-atake ng mga kalaban.
Ang aktibidad na ito ay tinatayang nilahukan ng 400 mga sundalo ng Amerika, at 200 tropa ng Pilipinas.
Magtatagal ang Balikatan Exercises 2023 sa pagitan ng Pilipinas at Amerika hanggang sa Abril 28, 2023.