-- Advertisements --
Wala ng balak ang Lithuania na isara pa ang border nila ng Belarus.
Ito ay dahil sa humina na ang plano ng Russian mercenaries na Wagner Group na sila ay lusubin.
Sinabi ni Lithuanian President Gitanas Nausėda na ang isyu ay noon pang mga nakaraang linggo dahil sa banta umano ng nasabing grupo.
Handa namang tulungan ng Poland ang Lithuania sakaling sila ay tuluyang lusubin ng Wagner group.
Sa ngayon ay nananatiling nakabantay ang Lithuania sa anumang hakbang na gagawin ng nasabing merecenary group.