-- Advertisements --

Hawak na rin ng Bureau of Correcions ang listahan ng mga personnel na sangkot sa pagpuslit ng mga kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. subalit hindi pa nila maaari aniyang ilabas ang detalye hinggil dito.

Magugunitang, nakumpiska ang iba’t ibang kontrabando kabilang ang mga baril, cellphone, droga, kutsilyo at aabot sa 7,500 cans ng beer sa loob ng bilibid.

Kaugnay nito, magpapatupad naman ang Bureau ng technology-driven security system sa Bilibid.

Nagpakalat ng K9 units at high-tech equipment gaya ng facial recognition para matugunan ang kakulangan ng kanilang personnel.

Ito ay katulad ng command center ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para makita ang kung sino ang mga personnel na nakaduty.

Mayroon namang facial recognition para sa mga inmates.

Nakadeploy ang k9 units sa gate 4 ng Bilibid kung saan idinadaan lahat ng mga gamit at pagkain para sa inspeksiyon sa pmamagitan ng teknolohiya.