-- Advertisements --
May mga pagbabago pa ang line-up ng national teams na sasabak para sa Asian Games sa mga susunod na linggo.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino, na inabisuhan na nila ang Hangzhou Asian Games Organizing Committee (HAGOC) para sa nasabing mga pagbabago.
Ilan aniya sa mga pagbabago ay ang lineup ng Gilas Pilipinas.
Nakatakda kasing pormal na ianunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas at PBA ang listahan ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Asian Games.
Sa unang listahan ay aabot sa 395 na atleta ng bansa ang isasabak ng Pilipina sa 40 sports ng Hangzhou Asian Games na magsisimula sa Setyembre 25.