-- Advertisements --

Magpapatupad ang Manila City Government ng dalawang araw na liquor-ban.

Sa inilabas na kautusan ni Manila City Mayor Honey Lacuna, na ipinagbabawal ang pagbenta at pag-inom ng mga nakakalasing na inumin sa loob ng 500-meter radius ng lahat ng mga simbahan sa lungsod.

Magiging epektibo ang nasabing kautusan mula Huwebes Santo hanggang Biyernes Santo.

Layon aniya ng nasabing kautusan ay para sa promosyon ng katahimikan at kapayapaan ngayong Semana Santa.

Sa nasabing Executive Order no. 9 series of 2024 na ipinag-uutos ang Manila Police Distict at lahat ng mga alagad ng batas na ipatupad ito.