-- Advertisements --
ILOILO CITY – Pinalawig pa ang liquor Ban at curfew sa Iloilo City sa gitna nang patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na hanggang Hunyo 30 pa tatagal ang liquor ban sa lungsod gayundin ang curfew na magsisimula alas-10:00 ng gabi hanggang las 4:00 ng umaga.
Samantala, sa Iloilp Province naman, pinalawig din hanggang sa katapusan ng Hunyo ang liquor ban.
Napag-alaman na ang madalas na inuman at party ay siyang tinuturing dahilan ng COVID-19 surge sa Iloilo City.










