-- Advertisements --
BI bureau of immigration

Malaking hamon daw ngayon sa Bureau of Immigration (BI) ang limitadong kapasidad ng mga detention facility sa gitna naman ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naaarestong foreign nationals.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ang ang detention facility ni BI sa Bicutan Detention Center na mayroon lamang daw kapasidad na 300 detainees ay mayroon na ngayong mahigit 200 na nakaditine.

Ang mga ito ay mga banyagang naaresto sa iba’t ibang operasyon sa bansa.

Kabilang na rito ang naaresto ng mga otoridad na 91 foreign nationals sa Pasig City noong Biyernes at ang 41 iba pa na naaresto naman sa Angeles City noong Sabado.

Agad dinala ang mga banyaga sa Bicutan detention facility.

Dahil dito, sinabi ni Sandoval na nakikipag-ugnayan na ang BI sa mga local enforcement units at agencies na pansamantala nilang ililipat sa kanila ang physical custody ng mga naarestong foreign nationals.

Kung maalala, nagsagawa noon ang mga otordaid ng operasyon laban sa mga foreign nationals na sinasabing sangkot sa mga iligal na aktibidad sa gitna ng mga napaulat na kidnapping incidents na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.

Sinabi ni Sandoval na karamihan sa mga naarestong banyaga ay bigong magprisinta ng proper documents sa mga isinagawang inspection.

Aniya, ang mga foreigners ay walang mga kaukulang dokumento o malamang ay ang mga handlers ay itinatago ang kanilang mga papeles.

Hindi naman daw agad maide-deport ng BI ang mga naarestong bahyaga dahil kailangan pang i-check ng mga otoridad kung mayroon pang mga nakabinbing kaso sa Pilipinas laban sa mga foreigners.

Kahapon lamang nang himukin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Malacañang na tugunan ang panawagang total ban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) dahil nagiging playground para sa mga undesirable foreign nationals.

Una rito, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na bubusisiin nila ang mga record ng mga foreign nationals at business permits ng POGO kasunod na rin ng mga napaulat na kaso ng kidnapping.