Isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Mansalay at Bulalacao sa Oriental Mindoro gayundin ang bayan ng Looc, Magsaysay, at San Jose sa Occidental Mindoro dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Gov. Eduardo Gadiano ng Occidental Mindoro, umabot na sa P300 million ang napinsala dahil sa matinding init. Kabilang na rito ang pagkasira ng palay, sibuyas, mais, at iba pang mga gulay.
Sa bayan ng Mansalay, 80% ng mga lupang sakahan na ang naapektuhan. Umabot na sa isang libong magsasaka ang apektado at for verification naman ang isang libo pang magsasaka.
Umabot naman sa 4,000 ang apektadong magsasaka sa Bulalacao, Oriental Mindoro kung saan 2,000 ektarya na ang napinsala ayon sa municipal agriculturist ng bayan.
Nakapagbigay na rin ang Department of Agriculture ng mga punla at Php5,000 na cash assistance sa mga magsasaka ang Oriental Mindoro.