-- Advertisements --

Inihinto ng Office of the Ombudsman ang kanilang lifestyle check sa mga kawani ng pamahalaan.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na hindi ito sapat na batayan para masabing tiwali ang isang opisyal o kawani. hindi umano ito sapat upang patunayan na tiwali ang isang opisyal o kawani.

Ayon kay Martires, panahon na para amiyendahan ang Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards of Public Official and Employees.

Marami aniya ang kailangan baguhin sa naturang batas, kabilang na ang paglilinaw sa kahulugan ng simpleng pamumuhay.

Iginiit ni Martires na wala sa hulog ang lohika ng pagsasalang sa lifestyle check dahil may kanya-kanya prayoridad ang bawat isa sa mga opisyal o kawani ng pamahalaan.

“Bakit ko pinatigil? What is living beyond your means? Iyong kumikita ng P50,000 a month, lives in a small house, nakaipon, bumili ng BMW na promo, zero interest, kayang-kaya niya hulugan, is he living beyond his means? I don’t think so. What he has are distorted values and distorted priorities,” giit ni Martires.