Target ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na tapusin sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong buwan ang pagsasagawa nila ng lifestyle check sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil umano sa korupsiyon sa ahensiya.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, sakaling matapos ang kanilang imbestigasyon at evaluation ay agad-agad nilang isusumite ang report sa Office of the Ombudsman.
Una nang sinabi ni Belgica sa panayam ng Bombo Radyo Philippines na nasa 13 hanggang 20 opisyal ng PCSO ang kanilang iimbestigahan.
Sa ngayon ay mayroon na raw silang mga karagdagang dokumento at intelligence report na nakalap kaugnay sa mga iimbestigahang mga opisyal ng PCSO
Isusumite rin daw nila ang findings kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibleng paghahain ng kasong kriminal laban sa kanila.