-- Advertisements --

Kumpiyansa ang mga miyembro ng House of Representatives na makakakuha si Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ng 18 boto para mapagtibay ng Senado ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Umaasa sina Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong at Quezon City Rep. Marvin Rillo na gamit ang karanasan ni Zubiri, na dati ring Senate majority leader ay makukumbinsi nito ang kanyang mga kapwa senador na suportahan ang RBH 6 na kanyang inakda.

Dagdag pa nito, ang pormal na pagpapatibay ng Senado sa Rules nito kaugnay ng proseso sa pagpasa ng resolusyon na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon ay pagpapatubay ng pagnanais nito na matupad ang pangakong aaprubahan ang RBH 6.

Sinangayunan naman ito ni Rillo na nagpahayag din ng mataas na pagrespeto kay Zubiri.

Ang pagkalap ng 18 boto para ipasa ang RBH No. 6, ayon kay Rillo, ay magiging isang hamon sa pamumuno ni Zubiri.