Nanawagan ang pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un na palakasin ang produksyon ng mga missle at artillery shell para ma-secure ng bansa ang militiray power at maging handa para sa digmaan.
Isinagawa ni Kim ang naturang order noong nagbisita siya sa key munitions factories na gumagawa ng tactical missles, missle launch platforms, armored vehicles at artillery shells.
Ang kanyang field inspection ay ang pinaka-latest sa sunod-sunod na pagbisita niya sa mga pabrika ng armas, kung saan nag-uutos siya ng mass production ng mga armas.
Nagsimula ito ilang araw bago naman magsimula ang South Korea at US ng taunang military drills, na nakikita ng Pyongyang bilang isang rehearsal para sa digmaan.
Ayon kay Kim, ang kalidad ng paghahanda sa digmaan ay nakasalalay sa pag-unlad ng munitions industry, at ang pabrika aniya ay may napakalaking responsibilidad sa pagpapabilis ng paghahanda sa digmaan ng mga militar.
Ang mga militar ng South Korea at US ay inaasahang gaganapin ang kanilang Ulchi Freedom Guardian summer exercises ngayong buwan, at tinuligsa naman ito ng North Korea bilang isang rehearsal para nuclear war.
Samantala, inakusahan rin ng United States ang North Korea ng pagbibigay ng mga armas sa Russia para sa digmaan nito sa Ukraine, kabilang ang mga artillery shell, shoulder-fired rockets at missiles. Pero itininaggi naman ng North Korea at Russia ang naturang transaksyon.