-- Advertisements --

Target ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umpisahan ngayong Lunes ang rehabilitasyon sa mga napinsalang gusali at imprastraktura sa Cebu matapos ang naging magnitude 6.9 na lindol.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, sisimulan ngayong lingo ang permanenting pagsasaayos ng mga imprastraktura.

Aniya, naglaan ng humigit kumulang P2.5 bilyong halaga ang naging danyos sa mga daanan at mga tulay at wala pa aniya dito ang kabuuang halaga ng mga napinsalang mga eskwelahan at ospital sa lalawigan.

Paliwanag niya, ito ang dahilan kaya possible pang tumaas ang halaga ng mga danyos na maitatala sa mga sususnod na araw.

Samantala, ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 713 na mga imprastraktura ang napinsala sa Central Visayas maliban pa ito sa 18,154 na mga kabahayan sa rehiyon.