-- Advertisements --

cidg1

Arestado ng mga tauhan ng PNP at CIDG awtoridad ang lider ng isang armadong grupo na sangkot sa mga insidente ng pangangamkam ng lupain sa southern tagalog at dalawang kasabwat nito.

Ikinasa ang search warrant operation ng mga tauhan ng CIDG at SAF sa mismong bahay ng suspek sa Sitio Bulak, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni CIDG Dir. P/BGen. Albert Ferro ang mga naaresto na sina Rodelio Caballes, lider ng kilabot na “Caballes Armed Group” at dalawang kasama nito na sina Gideon Mark Exito at Ruben Palioc.

Nakuha mula sa kanilang posisyon ang mga sumusunod:
Three (3) units caliber .45;
Three (3) caliber .45 magazines loaded with ammunition;
One (1) caliber.30 US Carbine;
One (1) caliber .30 magazine;
Fifteen (15) rounds of caliber .30 JS Carbine ammunition;
One (1) caliber .38 revolver;
Six (6) rounds of caliber .38 ammunition;
Three (3) Hand Grenades;
Six (6) rounds of 12-gauge shotgun ammunition;
Two (2) Sling Bags; and
Different IDs.

cidg2

Ayon kay Ferro, sangkot ang grupo ni Caballes sa pangangamkam ng lupain sa Rodriguez Rizal at bahagi rin siya ng “Rodriguez Land Grabbing Group” na nag ooperate naman sa buong CALABARZON at MIMAROPA regions.

Kasalukuyan nang inihahanda ng mga Pulis ang patumpatong na kaso laban sa 3, partikular na ang paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives).