-- Advertisements --
Umaabot sa mahigit 2,000 ang naitalang quarantine violators na inaresto ng mga otoridad sa Pampanga.
Kaugnay ito sa Executive Order No. 17-2021 o paghihigpit dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang probinsya.
Sa naturang bilang, 1,668 sa mga ito ang walang suot na face mask, 64 ang lumabag sa curfew hours, 29 ang lumabag sa liquor ban at 203 naman ang may sari-saring paglabag.
Panawagan ni Pampanga Gov. Dennis Pineda, magsilbi sanang sample ang kanilang mga hinuli, upang sumunod na ang lahat sa ipinapatupad na paghihigpit.
Ang Pampanga ay isinailalim sa mas mahigpit na community quarantine kasunod ng paglobo ng kaso ng COVID-19.