Lumikas ang libu-libong Palestinian patungo sa katimugang Gaza matapos silang balaan ng Israel na lumikas bago ang inaasahang ground offensive laban sa Hamas bilang pagganti sa pinakanakamamatay na pag-atake sa kasaysayan ng Israel.
Inihayag ng Army, na ang Israeli ground forces ay nagsagawa ng isang “localized” raid sa Gaza sa nakalipas na 24 na oras upang linisin ang lugar ng mga terorista at subukang maghanap ng mga nawawalang tao.
Sa panig ng Gaza, sinabi ng mga health official na mahigit sa 2,200 katao ang napatay — karamihan sa kanila ay mga sibilyan.
Nanawagan naman ang Saudi Arabia para sa isang “immediate ceaseifre”, habang ang Estados Unidos ay nanawagan sa China na gamitin ang regional influence nito upang makipag-ugnayan sa usapang pangkapayapaan.