Nagsagawa ng kilos-protesta ang libo-libong mga Israeli na tanggalin sa pwesto si Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Naniniwala kasi ang maraming Israeli na tila si Netanyahu ang pangunahing hadlang sa kasunduan sa Hamas upang mapalaya ang mga bihag.
Bukod pa rito, nanawagan ang mga Israeli protesters na palayain ang mga natitirang bihag sa Gaza matapos ang halos anim na buwan mula ng sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Kasabay nito nagsagawa rin sila ng malawakang protesta laban sa pamahalaan noong Sabado.
Samantala, sinimulan namang muli sa Cairo ang pag-uusap sa pagitan ng Israel at Hamas patungkol sa kasunduan na tigil-putukan at pagpapalaya sa mga bihag.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang iringan ng dalawang Israel at Hamas at mas nadadagdagan ang nasasawi araw-araw habang nahaharap sa matinding kagutuman ang mga Palestino dahil sa paghihigpit ng Israel sa pagpasok ng tulong sa kanilang lugar.










