Reading Time: 1 minute

TEGUCIGALPA – Libu-libong katao ang nagmartsa sa mga kalye sa kabisera ng bansang Honduras upang ihirit ang pagbibitiw sa puwesto ni President Juan Orlando Hernandez.

Ang mga kasapi ng grupong tinatawag na Movimiento Indignados (Indignant Movement) at may bilang umanong nasa 5,000 ay nagmartsa patungo sa public prosecutor’s office.

“We demand the immediate removal of Juan Orlando Hernandez from the post he is currently usurping, as well as an urgent investigation of him and his family circle and political associates,” saad ng grupo sa isang pahayag.

Nag-ugat ito sa pag-aakusa kay Hernandez na may ugnayan umano sa mga indibdwal na pinaparatangang sangkot sa katiwalian at drug trafficking.

Ang kapatid din ng Honduran leader na si Antonio ay naaresto sa Florida noong Nobyembre, at inaakusahang dawit sa “large-scale drug trafficking.”

Inamin din ni Hernandez na ang kanyang National Party ay tumanggap ng $94,000 na misappropriation sa social security funds.

Ngunit nanindigan si Hernandez na ginamit umano ang mga pondo lingid sa kanyang kaalaman. (AFP)