-- Advertisements --
image 44

Nakipag-partner ang Department of Transportation (DOTr) sa isang Fiber internet provider para makapagbigay ng libreng WiFi services sa 9 na paliparan sa bansa.

Kung saan nitong Martes, sinimulang ilunsad ang naturang proyekto sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Maaaring makapag-access sa internet ng libre ang mga pasahero sa NAIA 4 ng hanggang 1 gigabit per second sa loob ng 2 oras habang nag-aantay ng kanilang flights.

Target din ng Fiber internet provider na mailunsad ang free WiFi serrvices sa lahat ng terminals ng NAIA gayundin sa Francisco Bangoy International Airport/Davao International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Bacolod-Silay Airport, Iloilo International Airport, Laoag International Airport, Pagadian Airport, Tacloban Airport, at Zamboanga International Airport.

Ayon sa Fiber internet provider CEO at co-founder Dennis Anthony Uy, na ang internet connectivity ang isa sa nangungunang reklamo ng mga biyahero pagdating sa airport amenities kayat nais aniya nilang mapaganda ang imahe at reputasyon ng ating bansa sa mga dayuhan at domestic travelers sa pamamagitan ng connectivity project.

Base sa datos ng Manila International Airport Authority, nasa kabuuang 3.7 million pasahero mula sa international at domestic ang naitala habang nasa 22,816 flights naman noong Abril 2023.