-- Advertisements --
Mag-aalok ang pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa limitadong oras sa mismong Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation-MRT-3, maaaring ma-avail ng mga mananakay ang libreng sakay sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3.
Ang mga oras na maaaring ma-avail ang libreng sakay ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang naturang inisyatiba ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang at pagmamalaki sa kalayaan ng ating bansa.
Ang Hunyo a-12 ay idineklara ng Palasyo Malacañang bilang isang regular holiday sa buong bansa.















