BUTUAN CITY – Sisimulan ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Caraga ang kanilang pgbibigay ng libreng sakay para sa mga frontline health workers sa buong rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni LTFRB-Caraga OIC Regional Director Ma. Kristina Cassion na ang mga health care workers muna na pasok sa rutang Kitcharao, Agusan del Norte hanggang Agusan del Norte Provincial Hospital at vice versa ang kanilang seserbisyuhan at asahan sa mga susunod na araw ay maipapatupad na ito sa iba pang lugar nitong rehiyon lalo na’t sa ngayon ang ibang rota ay nasa final process na.
Sinabi ng opisyal na mahigpit rin ang kanilang gagawing monitoring upang matiyak na sumusunod sa kasunduan ang lahat ng operators at drivers.
Umaasa rin ito na kahit sa munting inisyatibo ay malaki na ang maitutulong nito sa mga health care workers lalo na sa mga nagko-commute lang, makakapunta lang sa kanilang trabaho.