-- Advertisements --

Aabot ng halos 26,000 na trabaho sa information technology (IT) at business process outsourcing (BPO) ang iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Kabilang sa mga trabaho na pwedeng pasukan ng mga OFWs ay customer service, technical support, IT support, IT developers at consultants.

Ayon kay DOLE assistant secretary Dominique Tutay, sa ngayon ay nag-uumpisa na ang pagtatawag o pag-contact ng ahensya sa mga returning OFWs para alukin ang mga ito ng trabaho.

Tatagal hanggang Disyembre ngayong taon ang ginagawang ito ng DOLE. Mula rito ay babantayan din ng ahensya ang anumang tagumpay na job matching at referral.

Dagdag pa nito na susunod naman nilang hahanapin ang mga manggagawa na may bagong kasanayan para sa manufacturing companies.

Patuloy namang hinihikayat ng DOLE ang mga OFW na sumubok ng bagong kasanayan sa pamamagitan ng Technical and Skills Development Authority (TESDA) o di-kaya naman ay sa mga online skills training ng mga pampribadong sektor.